Paskong Pinoy 2012 sa Rizal Park, inilunsad

SA kabila ng nararanasang kalungkutan  sa mga biktima ng bagyong Pablo  ay isa  pang attraction ang binuksan sa Rizal Park  na may temang Paskong Pinoy ngayong holiday season.

Sa katatapos lamang na launching ng Paskong Pinoy 2012  ay  magiging sentro  nito na makapagbigay ng kasiyahan sa publiko ngayong Pasko sa pamamagitan ng pagkakaroon ng konsyerto sa Rizal park o tinawag na  “A Joyous Rock in the Park” ,   na noong December 7, 2012 at magtatapos sa Enero 7, 2013.

Dinaluhan naman  ang nasabing  paglulunsad  nina NPDC executive director Juliet Villegas, mga kinatawan ng Department of Tourism, City Government at ng Asia Brewery na nagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ngayong taon.

“The month-long Christmas and New Year’s extravaganza presents an exciting series of events that makes Rizal park a safe and fun place to celebrate the season”, ayon kay Ms Ginny Guanco, media communication officer ng Asia Brewery.

Sinabi rin ni Ms. Guanco na  mula sa pagiging tourist attraction ang Rizal Park ay itinuturing din na recreational facilities ito kung saan  ay mapapanood  ang mga serye ng mga concert, mae-experience ang food and gifts bazaars, mga parada at iba pang panoorin na bukas sa lahat at libre.

Ang Asia Brewery, nagdiriwang ngayon ng ika-30 anibersaryo ang host ng  30-araw na Paskong Pinoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply