Paskong walang pananampalataya, walang kahulugan – Tagle

antonio-tagle

KASUNOD nang nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Pasko, pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Pinoy hinggil sa kahalagahan ng pananampalataya sa Panginoon ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Tagle, hindi dapat ihiwalay ang pagpapanibago at pagpapatibay ng pananampalataya sa Pasko dahil ang naturang okasyon ay isang pagdiriwang na nag-ugat sa pananampalataya.

Iginiit ni Tagle na ang Pasko na walang pananampalataya ay hungkag o walang kahulugan.

“In a real sense, Christmas is all about faith. To remove faith from Christmas is to empty it of its meaning. It is a season born of faith and a privileged time to renew our faith,” nakasaad sa Christmas message ng Cardinal para sa mga Pinoy.

“On the one hand, Christmas vividly recalls the coming of the Savior Jesus Christ, incarnate by the power of the Holy Spirit. He comes as one like us except in sin, because as the Savior he cannot participate in humanity’s rejection of God.”

Naniniwala rin ang Cardinal na ang pananampalataya ang siyang ugat upang ang mga tao ay makipagkaisa sa kaniyang kapwa na siyang diwa ng Kapaskuhan.

“Faith in God leads us to solidarity with our neighbors, especially the poor whom Jesus loves. Faith makes us sharers in Jesus’ saving mission and heralds of true freedom from all that enslave us,”

Umaasa naman ang Cardinal na maaalala ng bawat Kristiyano ang tunay na regalo ng pananampalataya ngayong Pasko na walang iba kundi ang Panginoong Hesukristo.

“I pray that all Christians may appreciate more the precious gift of faith during this Christmas season,” aniya pa.

Aniya, dapat ring pasalamatan ngayong Pasko ang Panginoon dahil sa pagmamahal nito sa atin at tugunin ito ng pagmamahal rin dahil tanging busilak na pagmamahal lamang aniya ang makapagliligtas sa lahat.

“As we behold the Christ Child, humble and poor, let us thank God for his great love for us and let us respond with all the love we could give. Only pure divine love can save us! I wish all you and your loved ones a Blessed Christmas and a Peaceful New Year!”

Ang taong 2012 ay idineklarang Year of Faith o Taon ng Pananampalataya ni Pope Benedict XVI, na siya ring humirang kay Tagle at limang iba pa, bilang mga miyembro ng College of Cardinals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply