Paslit na nagpaputok, todas sa lunod

TODAS ang isang paslit makaraang mahulog sa irigasyon at malunod habang nagpapaputok ng firecrackers kaninang umaga sa Brgy. Amado, Pudtol, Apayao.

Ayon sa nakasaksi na si Leilani Adriano, nagkatuwaang magpaputok ng firecracker sa ibabaw ng irigasyon ang biktimang si Jayboy Cariño, 8, grade 2 pupil, ng naturang lugar,  kasama ang kanyang kalaro nang mahulog.

Nabatid na dahil sa umuulan, nadulas si Cariño at nahulog sa malalim na tubig ng irigasyon.

Makalipas ang ilang minutong paghahanap, nakita ang katawan ng biktima na wala nang malay at isinugod pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply