Paslit nalunod, patay sa Albay

PATAY ang isang apat na taong gulang na bata na kasama sa Christmas vaction nang malunod sa dagat sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa pamilya ng bata, galing sila ng Maynila at nagtungo sa lungsod ng Albay upang magbakasyon para mairaos ang Christmas break.

Sa ulat ni Supt. Benedicto Pintor, hepe ng Tabaco City Police Station, napag-alaman na magkasamang naligo sa dagat sa Purok 6, Brgy. Pawa ng nasabing lungsod ang biktima na si Elton Raven Laying at ang limang taong gulang nitong kapatid na si Michael nang hindi man lamang namalayan ng kanilang mga magulang na nalulunod na ito.

Huli na nang madiskubre ng mga residente na nalunod na ang mga biktima. Naisugod ang biktima sa ospital pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Nailigtas naman sa kamatayan ang kanyang kapatid na kasama sa paliligo sa dagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply