Paslit patay sa boga, lolo sugatan

TINAPOS ng isang tama ng bala sa noo ang buhay ng isang 3 taong gulang na batang lalaki matapos mabaril ng di nakilalang suspek ang kanyang lolo habang natutulog sa kanilang bahay kagabi sa sa Port Area, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Sidfred B. Bering ng Block 1 Aplaya, Baseco Compound, Port Area.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez ng MPD homicide, alas-9:30 ng gabi noong Sabado, katabi ng batang biktima ang kanyang lolo na si Dominador Besco, 46,  habang natutulog  sa loob ng kanilang bahay nang dumating ang suspek at nagpaulan ng bala.

Nasugatan si Besco ngunit nagawa pa nitong makatakbo habang tumakas naman ang suspek.

Agad na dinala ng kanyang kaanak sa Orthopedic Hospital si Besco habang naiwan naman sa bahay ang paslit.

Gayunman, kaninang 7:00 ng umaga ay saka lamang nadiskubre ang sinapit ng paslit nang gisingin ito ng nakatatandang kapatid na hindi na humihinga  at may dugo sa kanyang unan mula sa isang tama ng bala sa kanyang noo.(

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply