Paslit sabog ang mukha sa baril ni kuya

SABOG ang mukha ng isang paslit nang aksidenteng mabaril ng kanyang nakatatandang kapatid sa Agusan del Sur nitong Sabado ng hapon (Disyembre 8).

Dead on the spot sanhi ng tatlong tama ng bala ng pellets  sa  mukha ang biktimang si Stella Dancalan, 3-anyos residente ng P-10 Bayugan City, Agusan del Sur.

Dinala naman sa Bayugan City Police Station ang suspect na si Steven, 7-anyos para sa kakukulang imbestigasyon bago ito dalhin sa Department of Social Welfare Administration 9DSWD) para naman isailalim sa eksaminasyon.

Sa ulat na nakarating sa camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 3:30 nitong Sabado ng hapon sa loob ng bahay ng magkapatid.

Bago ito, sa hindi pa malamang dahilan ay pinaglalaruan ng magkapatid ang isang improvised shot gun na pag-aari ng kanilang tatay na si Brian Saac Anog.

Sa gitna ng paglalaro sa shot gun, aksidenteng nakalabit ni Steven ang gatilyo nito habang ang nguso ng baril ay nakatutok sa mukha ni Stella.

Nakakuha ang Agusan del Sur SOCO team na pinangunahan ni PI Aileen Valencia ng tatlong shotgun pellets at ang isang handgun.

Pinag-aaralan naman ng awtoridad kung kakasuhan si Brian dahil naman sa kapabayaan at illegal possession of firearms kung mapapatunayan na walang lisensiya ang kanyang baril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply