Paslit tusta, 2 pa sugatan sa sunog sa Cebu

NAMATAY ang 9-anyos na paslit habang dalawa pa ang nasugatan makaraang matupok ang two-storey building malapit sa Poblacion Market, sa Lapu-Lapu City, Cebu, Miyerkules ng gabi.

Na-trap sa nasabing gusali ang namatay na biktima na si Chelmer Manggubat, anak ng may-ari ng nasunog na bahay na si Mark Anthony Manggubat.

Nagtamo naman ng first degree burn ang kapatid ng namatay na si Mac Manggubat habang nabali naman ang kalingkingan ni Fire Officer 1 Norman Alibya matapos mahulog nang rumespunde sa sunog.

Sinasabi na ang nakalimutang sinindihang mosquito repellant ang naging dahilan ng sunog na itinaas sa 2nd alarm at nakontrol makalipas ang ilang minuto lamang.

Tinatayang P80,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply