Patay kay ‘Pablo’ 1,020 na; bilang ng nawawala sumirit din sa 844

KASABAY ng pag-akyat ng bilang ng patay sa super typhoon ‘Pablo’ na umabot na sa 1,020, sumirit din sa 844 katao ang bilang naman ng nawawala, ayon sa pahayag ng isang government agency.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na itinayo ang regional response coordination center sa Davao city para hanapin ang marami pang bilang ng survivors at bangkay. Pinakilos na rin ng Philippine Navy at ng Coast Guard ang kanilang sea at aircraft para tumulong sa rescue operation.

Tumama sa kalupaan ang Typhoon Pablo, na pinaniniwalaang pinakamalakas na bagyo na tumama ng  Pilipinas sa loob ng nakalipas na dalawang dekada, sa Baganga ng Davao Oriental noong Disyembre 4. Nagdulot ito ng malakas na hangin at pagbaha na naapektuhan maigi ang Compostela Valley at Davao Oriental provinces sa Mindanao.

Hanggang sa ngayon, 30 probinsya o lunsod ay wala pa ring suplay ng kuryente, at anim na probinsya ang walang suplay ng tubig, sinabi ng NDRRMC.

Halos 10,000 kabahayan naman ang nasira, at mahigit sa 6.2 million survivors sa disaster-affected areas ang nagugutom at walang matuluyan.

Ang halaga ng danyos sa agrikultura ay umabot na sa  P16 bilyon ($390 million), at P7.7 bilyon naman sa inprastraktura. Winasak din ng deadly typhoon ang 385 na eskuwelahan sa 22 probinsya sa 8 rehiyon. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply