Patay kay Pablo, sumirit pa sa 647, danyos umabot na sa P7.116-B

bagyon-pablo

PATULOY na tumataas ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng  Tropical Cyclone Pablo (Bopha) at ito ay umabot na sa 647 kaninang umaga (Disyembre 10), ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang 5 a.m. update, sinabi rin ng NDRRMC na ang danyos sanhi ng Pablo ay mas tumaas pa  at umaabot na ngayon  sa  P7.116 bilyon, dahil na rin sa patuloy na danyos sa mga inprastraktura at agrikultura sa nasabing mga lugar na naapektuhan ng Pablo.

Ayon sa NDRRMC, may 647 katao na ang iniulat na namatay habang 1,482 naman ang nasaktan. May  780 naman ang nananatiling nawawala habang may 109 katao naman ang nasagip.

Sinabi rin ng NDRRMC na naapektuhan ng Pablo ang may  487,304 pamilya o 5,412,140 katao mula sa 1,928 villages sa 249 towns at 38 cities sa 30 provinces.

Sa bilang na ito, 29,390 pamilya o 302,586 katao ang nasa 172 evacuation centers.

Ang danyos naman ay tinatayang nasa  P7,116,388,040.07, kabilang ang P3,479,131,300 sa infrastructure, P3,618,868,247.07 sa agriculture, at P18,388,493 sa private properties.

May 11 naman tulay at 9 na kalsada ay nananatiling hindi madaanan habang 21 lunsod at bayan ang nakararanas ng power interruption.

Samantala, 50 probinsya at bayan at lunsod sa Southern Luzon, Central Visayas at Regions 10, 11 at Caraga ay nasa ilalim  ng  state of calamity.

Nitong nakaraang linggo lamang, binayo ng Tropical Cyclone Pablo ang halos kabuuan ng Mindanao at Visayas bago pumasok muli sa kalupaan sa Ilocos area, na bigla namang humina at biglang nalusaw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply