Patay na bagitong pulis na natagpuan sa Cavite, pinaiimbestigahan ng PNP

NAGSASAGAWA ngayon ng imbestigasyon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) makaraan natagpuan ang bangkay ng isang bagitong pulis sa Dasmariñas, Cavite.

Natagpuan ang bangkay ni PO1 Jay delos Santos na dalawang linggo nang nawawala sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Police Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Dasmariñas Police, nakabalot ng red carpet ang buong katawan ni Delos Santos nang makita sa isang damuhan sa Mabuhay City, Barangay Paliparan III.

Nabubulok at umaalingasaw ang bangkay at may tama ng bala ng kalibre .45 pistol ang biktima.

Nabatid na si Delos Santos ay nakataga sa General Mariano Alvarez police station. Inaalam na rin ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa ginawang pagpaslang sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply