Patay sa bagyong Pablo 740 na

bagyon-pablo

UMAKYAT na sa 740 ang bilang ng mga namatay sa bagyong Pablo na nanalasa sa Visayas at Mindanao noong isang linggo.

Ayon sa tala ng NDRRMC, sa naturang bilang 536 pa lamang ang nakikilala habang 177 pa ang hindi pa nababatid ang pagkakakilanlan.

Pinaghahanap pa ang 890 katao na nawawala pa rin hanggang ngayon.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nasugatan at sumampa na ito sa 1,906.

Nasa mahigit P9 billion na rin ang halaga ng pinsalang dulot ng super bagyo sa agrikultura, imprastraktura at sa private properties.

Samantala, pinaaalis na ang pangalang Pablo sa listahan ng mga bagyo sa hinaharap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply