Patay sa bagyong Pablo 902 na

bagyon-pablo

UMABOT na sa 902 ang bilang ng mga namatay sa bagyong Pablo na nanalasa sa bansa nitong nakalipas na linggo.

Sa latest update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, 567 pa lamang sa mga narekober na bangkay ang nakikilala.

Naitala ng NDRRMC ang pinakamaraming nasawi sa Compostela Valley at Davao Oriental sa Region XI na mga pinakasinalanta ng super bagyo.

Sa 902, 440 dito ang narekober ng mga awtoridad sa ComVal, habang ang 404 ay sa Davao Oriental.

Narekober ang mga nalalabing bangkay sa mga rehiyon ng Caraga, XII, X, IX, VIII, VII, VI at IV-B.

Nawawala ang 635 pang katao kaya’t pinangangambahan ng mga kinauukulan na tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa bagyo.

Samantala, nasa P14,303,051,878.05 na ang kabuuang halaga ng pinsala ni Pablo sa agrikultura, imprastraktura at iba pang ari-arian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply