Patay sa bagyong Pablo 906 na – NDRRMC

bagyon-pablo

UMAKYAT na sa 906 ang bilang ng mga namatay sa bagyong Pablo na nanalasa noong nakalipas na linggo, ayon sa pinakahuling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Pinaghahanap pa ng mga kinauukulan ang 932 pang nawawala kaya’t pinangangambahang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.

Magugunitang Huwebes, nakarekober ang rescue team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 17 pang bangkay sa Compostela Valley.

Nabatid pa sa NDRRMC, tinatayang nasa halagang P15.1 bilyon ang pinsalang iniwan ni Pablo sa agrikultura at imprastraktura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply