Pati PLEB pinupulitika

ito-ang-totoo-colored

SINIBAK si Ernelizar P. Batapa, chairman ng Bgy. Banicain, sa pagiging miyembro ng PLEB (People’s Law Enforcement Board)  bilang kinatawan ng Liga ng mga Barangay sa Olongapo City.

Ito ang Totoo: nagsampa kasi ng kandidatura si Batapa para konsehal ng lungsod kaya, ayon sa liham ni Ferdinand Magrata, city administrator, “ipso facto” resigned daw ito batay aniya sa sec. 4 ng COMELEC Resolution 9518. Pero ang mas malalim na dahilan, kay Bugsy Gordon delos Reyes at Brian Gordon, mga pamangkin ni Mayor Bong Gordon na nilalabanan siya, kasi sumama si Batapa.

Hindi tayo nagtataka na kahit anong butas ay gagamitin ng administrasyon ni Mayor Bong Gordon para pahirapan, sirain at gantihan ang mga kumakalaban sa kanya. Naaawa lang tayo kay Mr. Magrata na napag-utusan lang na nagmumukha tuloy tanga na para bang hindi alam ang sinasabi niya.

Mismong si Atty. Dictador V. Untayao, election officer ng COMELEC sa Olongapo, ang nagsabi sa liham kay Batapa na ang pagiging miyembro nito ng PLEB batay sa R.A. 6975 ay incidental sa pagiging elective official nito na karagdagang katungkulan, ayon sa batas, ng taong nasa serbisyo publiko.

Mahalaga kasi ang PLEB para sa pag-disiplina sa mga tiwaling pulis at sa kasalukuyan, maraming dapat ituwid na kabaluktutang naganap sa hanay ng kapulisan ng lungsod sa ilalim ng bata ni Mayor Gordon na napilitang mapaalis na si PSSupt. Christopher Tambungan.

Ito Ang Totoo: mukhang dapat na ring busisiin ang Legal Office ng lungsod ng Olongapo. Mukhang sablay ito sa mga ligal na opinyon.  Ano ba talaga ang pinaggagagawa nito, magsilbi sa tao o sa iisang tao?

Mungkahi nating bulatlatin ang mga kasong hinawakan at hinahawakan ng Legal Office at ng makita ang tunay nitong pinag-lilingkuran. Si Bong Gordon ba o ang taumbayan?

Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply