Pay-roll money, nalimas ng 3 holdaper

NAGAWANG maholdap ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek ang pampasahod ng kumpanya nang madaan sa lubak ang magpapasahod sa Valenzuela City kahapon ng umaga, Disyembre 1.

Aabot sa P261,238 ang natangay ng mga suspek na pampasahod sana ng ilang empelyado ng Redlaine Manpower Services sa A. Pablo st., Malinta ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:40 ng umaga, dala ng pay-roll master ng kumpanya na si Vicente Ortiz at habang nagmomotorsiklo papunta sa Steel World Manufacturing sa Industrial Road, Karuhatan ay nagmenor dahil sa lubak-lubak na kalsada.

Nilapitan ng dalawang suspek ang biktima bago tinutukan ng baril at kinuha ang bag na naglalaman ng pampasahod bago sumakay sa isang pang kasama dala ang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Hindi na nakahabol si Ortiz dahil kinuha rin ng mga suspek ang susi ng dalang motorsiklo na walang nagawa at nagpunta na lang sa presinto upang ipaalam ang pangyayari.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply