PDEA-ARMM, tuloy sa pagtugis sa mga narco politician

MARIING pinanindigan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Regional for Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) na hindi nila lulubayan ang pagtugis sa mga narco-politician sa lungsod kung mayroon man.

Ito ang naging babala ni PDEA –ARMM Regional Director Yogi Felimon
Ruiz sa mga politiko na nasasangkot sa iligal na droga. Kaugnay nito,
nagsasagawa rin ng lifestyle check ang kanilang tanggapan lalo na
sa mga taong biglang yumaman na walang klarong pinagkukunan ng pera.

Magpapatulong din ang kanilang tanggapan sa BIR para makuhanan ng
buwis ang kanilang kayamanan.

Samantala, ibinunyag ni dating Department of Justice (DoJ) Secretary Raul Gonzalez Sr. na ang Brgy. Bakhaw, sa distrito ng Mandurriao sa lungsod ng Iloilo ang isa sa mga pinondohan mula sa iligal na droga noong nakaraang barangay at sangguniang kabataan (SK) elections.

Ayon sa dating kalihim, inihayag nito na natalo ang incumbent punong
barangay sa Brgy. Bakhaw na si Punong Barangay Ruby Gallano dahil sa
malaking pera mula sa pagbebenta ng iligal na druga na inilabas ng
sumusuporta sa katunggali nito.

Napag-alaman na umaabot sa 12 na mga kandidato noong nakaraang
barangay at SK election ang tinukoy ng Philippine Drug Enforcement
Agency (PDEA) na suportado ng narco-politics na walo sa mga ito ay
nanalo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply