Peace on earth

deef fried

ANG sabi ng mga anghel sa Bethlehem, peace on earth and goodwill to men nang ipanganak si Jesus na ang mga magulang ay taga-Nazareth, sa tabi ng Jerusalem.

Pero hanggang ngayon, wala pa ring peace on earth sa Bethlehem o sa Jerusalem o mismong Israel at ng Middle East, mga bansang sinakop ng malupit na Romano na ngayon ay seat of the “holy” Roman church.

Sa katunayan, wala pa ring peace on earth all over the world, maski na sa Vatican na ang mga papa at mga cardinal ay sangkot pa rin sa napakaraming karumal-dumal na krimen.

At wala pa ring goodwill to men.

Walang goodwill to men at no peace on earth, even in the Philippines, maski na ano pa ang kanilang mga relihiyon.

Walang peace sa Luzon, walang peace sa Visayas, at walang peace sa Mindanao.

Wala ring peace sa Southeast Asia at sa buong Asia.Hindi lang mga pera ang ninanakaw, kundi pati na mga bansa o mga isla na gustong angkinin ng mga masamang loob.

Maski na sa ating mga barangay, wala ring peace and goodwill. Lahat ng krimen ay nangyayari sa bawa’t barangay, o bawa’t bayan o bawa’t lalawigan.

Kaliwa’t kanan ang nakawan, sa customs, sa BIR, sa DPWH at lahat na siguro ng ahensiya ng pamahalaan.

Ano kaya ang masasabi ni PNoy sa ganitong sitwasyon? Kasing linis niya kaya ang mga sarili niyang mga tauhan?

Ngayon ay sinasabing kaarawan ni Jesus. Sa totoo lang, hindi Disyembre ang araw ng kaarawan ni Jesus. Stir lang ito ng mga Roman na biglang naging mga Christian and later on Catholic.

Walang makapagsabi kung kailan talaga ipinanganak si Jesus. Ni mismong mga learned historians and bright people ay hindi matiyak ang exact date of birth ni Jesus.

Kasi, ayaw nilang magbasa ng bibliya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply