Pera motibo sa pagdukot at pagpatay sa abogado

crime-scene-4

LUMABAS sa imbestigasyon ng awtoridad na salapi ang motibo kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa isang abogado na natagpuan na nakasubsob sa palayan sa Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), posibleng dinukot ang biktima na kinilalang si Atty. Roldan Imson, 67, isa ring negosyante at residente ng Yap St., Baguio City dahil sa ransom money dahil sa negosyo bilang mayamang negosyante.

Maliban dito, ang isa sa limang mga suspek na nakilalang si Lovely Imson ay asawa ng pamangkin ng biktima kaya pinaghihinalaan nagbigay ng impormasyon sa mga kidnappers para dukutin ang biktima.

Una rito, dinukot ng limang mga suspek na pinaghihinalaang carjackers ang biktima habang nasa loob ito ng kanyang Toyota Innova na nakagarahe sa kanilang bahay.

Dahil sa pakikipag-ugnayan ng BCPO sa Dagupan PNP at Tarlac PNP, agad na nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis.at namatay ang limang suspek matapos manlaban sa mga miyembro ng Tarlac PNP sa isang farm house sa Gerona Tarlac.

Una nang kinilala ng mga awtoridad ang tatlo sa mga suspek na pawang taga-Pinukpok, Kalinga na kinabibilangan nina Roger Gorospe, Dennis Magadang at Rey Alonzo Banawa kabilang na si Lovely Imson.

Samantala, inaalam pa rin ng mga pulis ang pagkakilanlan ng isa pa sa mga suspek na napatay sa engkuwentro.

Ang biktima ay natagpuang nakatali ang kamay na binalot ng masking tape ang mukha at may dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply