Performance ni Biazon at Gapo sira sa pulitika

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

WALANG puknat ang panghuhuli ng Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Ruffy Biazon sa smugglers na pilit nagpupuslit ng mga epektos, maging ito ay produkto, droga o baril.

Hindi pinalulusot ng mga matitinik na opisyal at tauhan ni Biazon ang anomang klase ng delito na tangkang ipuslit papasok o palabas man ng bansa. Kaya nga kung pagbabasehan ang performance ng BoC, tiyak na ang rating na ibibigay rito ng taumbayan ay hindi lang satisfactory kundi tiyak na very satisfactory o kaya naman ay excellent.

Kasi naman, kahit anong pandaraya ang gawin ng smugglers o kahit sinong Poncio Pilato para mapalusutan ang BoC gamit ang iba’t ibang paraan tulad ng katawan ng tao o drug mule at parcel naman sa mga piyesa ng baril, hindi pa rin makalusot sa malaasong pang-amoy ng mga taga-BoC. Kamakailan lang ay nakasamsam ang customs authorities sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City ng 20 barrels ng M-14 rifles na idineklarang tsokolate at libro na nakalagay sa maliit na kahon. Mula ito sa Orlando, Florida, USA na taga-San Miguel, Bulacan ang consignee.

Dahil batid ng smugglers na sobrang higpit ng customs sa mga paliparan at daungan, inakala nila na makapagpapalusot sila sa parcels kaso hindi nila kayang linlangin ang mga tauhan ng BoC. Lalong hindi nila kayang suhulan ang mga ito dahil tinatahak ng mga tauhan ni Biazon ang “Tuwid na daan.”

Mas lalong naghihigpit ang mga tauhan ni Biazon ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan dahil batid niyang marami sa smugglers ang magpapalusot ng kontrabando at susuhulan na lang ang mga ahente kapag nabuking. Pero, sa pamunuan ni Biazon, masaya ang mga empleyado na magtrabaho dahil mas gusto nilang malinis ang tanggapan mula sa katiwalian.

Dahil sa matinding epekto ng pulitika, hindi na maganda ang samahan ng pamilya Gordon. Para maging malinaw sa ating mga tagasubaybay, ang maglalaban po sa pagka-alkalde sa Olongapo ay ang magtiyahing Anne Gordon, asawa ng kasalukuyang mayor na si Bong, at Bugsy Gordon delos Reyes, pamangking buo nina dating Senador Richard Dick Gordon at Bong.

Halatang hindi pabor ang pamilya ni Sen. Gordon na ipagpatuloy pa ng asawa ng kasalukuyang mayor ang paghawak ng siyudad dahil kay Bugsy nito pinasama ang anak niyang si Bryan na kandidatong vice-mayor.

Nagkaroon ng lamat ang pamilya Gordon dahil umano sa isa pang pamangkin ng mga ito na si Jimmy o J-Lo dahil ito ang mapilit na ilaban si Anne kasi nga naman mawawala ang kanyang malaking pakinabang. Paboritong pamangkin ni Mayor Bong si J-Lo dahil dito dumaraan ang lahat ng transaksyon maging ito ay ligal o iligal.

Maging ang mga taga-Gapo ay asar na sa mga Gordon kung kaya’t baka pumihit ang bola sa ibang kandidato. Abangan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply