Performance rating ni PNoy malaking inspirasyon sa Malakanyang

sec-edwin-lacierda

NAGING malaking inspirasyon ngayon ng Malacañang ang mataas na performance at trust ratings ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, batay na rin sa Pulse Asia Survey

Batay sa survey na isinagawa sa fourth quarter ng taon o sa November 23-29 , ang performance approval ng pangulo ay nananatili sa +78 na walang pagbabago sa third quarter habang ang kanyang trust approval ay nasa +80 o tumaas ng dalawang puntos.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, lalong magpapalakas sa kanilang loob ang resulta ng survey  dahil nakikita ang bunga ng kanilang inisyatiba.

Napatunayan lang umano sa nasabing survey na hindi nagbabago ang suporta at kumpiyansa ng taong bayan sa Pangulong Aquino sa pagtataguyod ng mga reporma.

Mananatili aniya na gabay ng administrasyon ang prinsipyong ang public office ay isang public trust upang hindi mawala sa tuwid na landas.

Sa isang 1,200  survey ng Pulse Asia, 6% lang ang nagsabing hindi sila kuntento sa pamamahala ng Pangulo samantalang 4% lang ang walang tiwala sa kanya.

Pawang mataas na puntos ang nakuha ng Pangulo sa lahat ng geographic areas o mga lugar sa bansa na nasakop ng survey at sa lahat ng socioeconomic classes o sa mga mayaman man o mahirap.

Nakapagrehistro rin ng 50% hanggang 65% na rating ang lahat ng programa ng Pangulo tulad ng paglaban sa kriminalidad, paglaban sa corruption, pagpapatupad ng batas .

Gayunman, kapuna puna ang mababang rating ng administrasyon sa paglaban sa kahirapan na may 20% lamang at pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng bilihin na 22% lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply