Petisyon ng PSBank ibinasura ng SC

supreme-court-of-the-philippines

IBINASURA ng Supreme Court ang petisyon ng PSBank kaugnay sa mga dollar account ni dating Chief Justice Renato Corona dahil sa pagiging moot and academic.

May kinalaman ang kaso sa hiling noon ng PSBank na pigilin ang Senate impeachment court sa pagbusisi ng mga dollar account ni Corona.

Sa limang pahinang en banc resolution na pinonente ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe na may petsang November 20, 2012, tinukoy ng Korte Suprema na hindi na kinakailangang resolbahin ng hukuman ang kaso dahil si Corona ay napaalis na sa puwesto.

Unanimous ang resulta ng botohan.

Bukod doon, naghain din umano ang PSBank ng mosyon nitong Nobyembre 5 na naghahayag na kanila nang inaatras ang isinampang kaso.

Dahil dito, wala na umanong maituturing na justiciable controversy sa kaso dahil ito ay moot and academic na.

Wala nang pangamba kung mahaharap pa ang PSBank sa paglabag sa Foreign Currency Deposit Act o sa Republic Act 6426 o ‘di kaya ay mapatawan ng contempt of court dahil sa pagtutol na ibunyag ang detalye ng foreign currency deposit ni Corona.

Kasabay nito, binawi rin ng korte ang ipinalabas nitong temporary restraining order noong Pebrero 9 na pumigil sa Senado sa pagbusisi sa mga foreign bank account ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply