Petisyon ni Gov. Garcia posibleng talakayin sa susunod na buwan

cebu-gov-garcia

POSIBLENG sa susunod na buwan pa tatalakayin ng Court of Appeals (CA) ang inihaing petisyon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia para ipatigil ang pagpapatupad ng suspensyon order laban sa kanya ng Malakanyang.

Nabatid na hindi nakahabol ang “petition for certiorari” ni Garcia dahil nakauwi na ang mga justice na ngayon ay naka-holiday break na kaya maaaring matagalan pa bago ito matalakay.

Naghain ng “petition for certiorari” ang kampo ni Garcia na humihiling sa CA na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay sa kanyang suspensyon.

Sa kanilang petisyon, iginiit ng kampo ni Garcia na iligal ang suspension order dahil hindi umano ito dumaan sa tamang proseso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply