Phil Navy handang ipagtanggol ang WPS

west-philippine-sea

NAKAHANDA ang Philippine Navy na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas kaugnay sa napabalitang pagpapadala ng China ng patrol vessel sa pinag-aagawang teriroryo sa West Philippine Sea.

Nabatid na ang barkong Haixun 21 ang kauna-unahang patrol vessel na ipinadala ng Hainan Maritime Safety Administration sa West Phil Sea para magsagawa ng traffic safety, search and rescue operation, mag-imbestiga ng maritime accidents at international conventions.

Ayon kay Western Command Commander Lt. Gen. Juancho Sabban, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing balita ngunit anu’t ano man mangyari ay nakahanda ang mga barko ng Philippine Navy para tulungan ang mga mangingisda sa West Phil. Sea.

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang aerial patrol sa nasabing parte ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply