PhilHealth sinisiguro ang benepisyo ng apektadong OFW sa Riyadh

hilda-online-logo

INANUNSIYO ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang mga apektadong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagkakaroon ng mga aksidente sa Saudi Arabia na sila ay siguradong makatatanggap  ng benepisyo.

May kabuuang 11 Pilipino ang nagkaroon ng sakuna at isa ang namatay ang naiulat nang isang oil tanker ang nabangga sa fireway flyover na nagresulta sa isang pagsabog.

Dahil sa mga pangyayari, tinuran ni PhilHealth President and CEO Dr. Eduardo P.Banzon na tutulungan ng naturang ahensya an gang mga nasakunang Pilipino na naospital sa Riyadh sanhi ng nasabing insidente.

Iminumungkahi na ang pamilya at mga kamag-anak ng mga nasakunang OFWs ay maghain ng claim sa alin mang local na sangay ng PhilHealth sa loob ng 180 na araw, pagkalabas ng pagamutan ng manggagawang nasaktan.

Kasama ng mga dokumentong ihahain ang Medical Records (medical certificates) na nagsasaad sa English ng diagnosis, services rendered at petsa ng pagkapasok sa ospital gayundin ang katibayan ng pagbabayad tulad ng resibo sa ospital, statement of account o kaya ay discharge summary records.  Ang dokumentong naturan ay dapat na may kasamang request letter na duly na pirmado ng kaanib.

Ang PhilHealth ay magsasauli ng benepisyo na naukol sa kaanib kahit na nagbayad na ang kanyang employer sa kabuuang gastos ng nagkasakit kapag nakompleto na ang lahat ng dokumentong kailangan.

Para sa iba pang detalye ukol sa mga claims para sa overseas confinements, ang mga kaanib na OFWs ay maaring kumontak sa PhilHealth Overseas Workers Program sa mga numerong (02) 441-7444 local 7416; 0917-512 9149 o kaya ay sa 0918-963 5396; o mag-email sa owp@philhealth.gov.ph

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply