Piccolo, pinaka-delikadong paputok

BATAY sa isinagawang pagsusuri ng Department of Health (DoH) ang Piccolo ang pinaka-delikadong paputok para sa mga bata.

Ayon sa DOH, ang piccolo ay madaling mabili at murang nangungunang sanhi ng firecracker-related injuries.

Sinabi ni DOH spokesperson, Assistant Secretary Eric Tayag na nagsasagawa na sila ng caravan kasama ang Eco-Waste Coalition bilang kampanya kontra sa mga mapaminsalang paputok.

Payo ni Tayag na gumamit na lamang ng torotot sa halip na magpaputok upang makaiwas sa disgrasya sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Samantala, nababahala naman ang Philippine National Police (PNP) sa pagkalat ng malakas na firecracker sa Bocaue, Bulacan na pinangalanang “Gangnam bomb.”

Bukod sa piccolo, kwitis, five star at Gangnam bomb, ilan pa sa mga delikadong paputok tulad ng bawang, el Diablo, paper cup, judas belt, cabasi, goodbye Philippines at Bin Laden.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply