Pinoy woodpushers buhay pa sa Rose Valley Open

SINULONG ni Pinoy Grandmaster Mark Paragua ang ikalawang sunod na tabla upang manatiling nasa kontensyon sa nagaganap na Rose Valley Open International Chess Tournament 2012 sa Kolkata, India kahapon.

Kasalo si Paragua sa fourth to 20th place hawak ang 3.0 pts. matapos makipaghatian ng puntos kay IM Rathnakaran K. ng India sa round four.

Makakalaban ni No. 16 seed Paragua, (elo 2533) sa fifth round si local bet IM Swapnil S. Dhopade, (elo 2438) sa event na ipinatupad ang 11 rounds swiss system.

Bigla namang nagising sina Pinoy woodpushers IMs Rolando Nolte at Emmanuel Senador ng diskarilin nila ang Indian chessers.

Pinisak ni Nolte si CM Bajaj Prince, (elo 2254) habang yumuko si Vikramjit Singh, (elo 2237) kay Senador.

Nauwi naman sa draw ang laban ni Oliver Dimakiling kay Murali karthikeyan, (elo 2315) ng India.

Solo sa top spot si GM Marat Dzhumaev (elo 2530) ng Uzbekistan matapos silatin si ranked No. 2 GM Anton Korobov, (elo 2702) ng Ukrain habang mag-isa sa second spot si GM Mikhailo Oleksienko, (elo 2573) ng Ukrain.

Samantala dadaan sa butas ng karayom si Nolte dahil makakalaban niya sa susunod na round ang kapareho niyang may 2.5 points na si Korobov.

Si Senador na may two points ay makikipagpisakan kay GM Adhiban B. ng India.

May 1 pt. pa lang si Dimakiling kaya makakaharap niya si Indian WFM Raghavi N.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply