Pinoy woodpushers nagkalat sa India

chess

KAMOT ulo ang mga Pinoy chess fans matapos mangamote sina Grandmaster Mark Paragua, International Masters Rolando Nolte at Jan Emmanuel Garcia sa katatapos na Apollo Engineering College Commonwealth Chess Championships sa Multipurpose Indoor Stadium sa Chennai, India.

Wala sa mga Pinoy woodpushers ang nakapasok sa Magic 10.

Nakisalo lang sina Paragua at Nolte sa 11th hanggang 27th kung saan nakakolekta ng walong puntos habang may pitong puntos lang sina IM Oliver Dimakiling at IM Emmanuel Senador.

Tinalo ni Paragua si Senador habang nagwagi naman si Nolte kay Indian Deepthamsh M.

Pinayuko ni Garcia si local bet Kathmale Sameer at si Dimakiling ay lumuhod kay Woman GM Padimi Rout ng host country.

Nasungkit ni GM Sergei Tiviakov ng Netherlands ang titulo matapos niyang pisakin si GM M.R. Lalith Babu ng India.

May kasalo sa liderato si Tiviakov tangan ang 9.5 points subalit matapos ipatupad ang tie-break points ay tinanghal itong kampeon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply