Pinoys sa lumubog na barko aayudahan

rosalinda-baldoz

TUTULUNGAN ng pamahalaan ang mga pamilya ng mga Pilipinong namatay at nawawala sa paglubog ng isang barko sa North Sea noong nakalipas na linggo.

Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Nauna rito, dalawang Pilipinong tripulante ang kumpirmadong namatay sa aksidente na naganap makaraang magkabanggaan ang Baltic Ace car carrier at Corvus J container ship na naging dahilan naman ng paglubog ng car carrier sa layong 100 kilometro ng Timog Kanluran ng Rotterdam sa the Netherlands.

Inatasan naman na ni Baldoz sina Philippine Overseas Employment Administration Chief Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration Chief Carmelita Dimzon para asikasuhin ang kinakailangang suporta at tulong ng mga pamilya ng mga OFW na biktima sa insidente.

Ilan sa mga benepisyo na maaaring matanggap ng mga pamilya ng mga biktima ay ang life insurance na nagkakahalaga ng 200 libong piso at burial benefit na 20 libong piso.

Inatasan din ni Baldoz ang dalawang opisyal na makipag-ugnayan sa mga Embahada sa nasabing rehiyon para matiyak din ang tulong sa mga Pilipinong nakaligtas sa aksidente, gaya ng pagproseso sa kanilang mga travel document.

Ayon sa ulat, lima mula sa sampung Pilipinong Tripulante ng Baltic Ace at anim naman mula sa Corvus J ang nakaligtas sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply