Piso, muling lumakas kontra dolyar

IPINAHAYAG ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na muling lumakas ang piso kontra US dollar makaraang magsara ang palitan sa P41.12.

Kumpara ito sa P41.16 exchange rate noong Miyerkules.

Ayon sa BSP, ang piso na ang ikalawang pinaka-malakas na Asian currency ngayong taon.

Umaasa naman ang BSP na lalakas pa ang Piso kontra dolyar sa pagpasok ng taong 2013.

Kabilang sa dahilan ng paglakas ng piso ay ang remittances ng mga overseas Filipino workers na ipinadadala sa mga kamag-anak dito sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply