Plastik

bobby-ricohermoso

WALANG duda na pulitika ang nagpapainog ng mundo ng mga Pinoy. At ito rin ang dahilan kaya hindi tayo umaasenso bilang isang bansa. At dahil malapit na ang eleksyon, lahat ng galaw ng mga politiko ngayon ay nakaangkla sa kung paano sila mananalo at paano nila magigiba ang mga kalaban nila. Ito rin ang dahilan kung bakit laganap ang mga kaguluhan na dulot na rin ng mga magkakala-bang politiko at mga taga-suporta nila.

Mula sa Metro Manila hang-gang sa malalayong probinsiya ay wala ng ginagawa ang mga politiko ngayon kundi pagbuhusan ng oras ang pulitika. Gaya halimbawa sa Maynila, kapansin-pansin ang matinding tunggalian, siraan at gimikan nina dating Pangulo Joseph “Erap” Estrada at incumbent Mayor Alfredo S. Lim. Dahil si Lim ang nakaupo, napakaraming mga tagasunod niya na mga taga-media, kasama na ang isang broadcaster na walang ginawa kundi ang kumahol ng kumahol para purihin ang ginagawa ni Lim kuno sa Maynila.

Walang ginawa ang broadcaster na ito mula sa isang hindi sikat na himpilan kundi purihin si Lim nang abot hanggang langit. Takot na takot kasi ang broadcaster na ito na matalo ang mayor, dahil malaki ang mawawala sa kanya at baka masibak pa siya sa istasyon nila pag natalo ang padron niya.

Kahit nga ang dating aktor Fernando Poe Jr. ay naging isyu pa rin sa labanan sa pagka-mayor sa Maynila. Batid ni  Lim na malakas ang hatak sa tao ni Erap dahil dati itong artista at kaibigang matalik din ni Fernando Poe Jr., kaya gusto niya ngayong pala-basin na magkaibigan din sila ng yumaong aktor.

At para bigyang patunay ang pagiging magkaibigan nila ni FPJ, kamakailan ay binigyan niya ito ng tribute at dumalo pa sa pagdiriwang ng araw ng kamatayan nito.

Marami tuloy ang naghinala na gimik niya lang ito dahil malapit na ang eleksyon at para makuha niya ang suporta ng mga tagasunod ng dating artista.

Maging si Estrada ay nagulat sa ginawa ni Lim na nagsabing nagtataka siya sa biglang pagdalo ni Lim sa nasabing pagtitipon sa unang pagkakataon pagkatapos ng walong taon.

Sa misa na inialay para sa hari ng pelikula ay nasa gitna ang biyuda ni FPJ na si Susan Roces ng dalawa.

Matatandaan na dating magkaalyado sina Erap at Lim ngunit nagkalamat ito nang bumaligtad ang mayor sa gitna ng People Power 2 uprising na nagpatalsik kay Erap sa Palasyo. Nabilanggo si Erap ng ilang taon subalit bi-nigyan ng executive clemency ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Tumakbo siya bilang Pangulo noong nakaraang halalan at muntik pang nanalo kundi lang tumakbo ang reluctant candidate na si Pangulong Benigno “Simeon” Aquino III.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply