Plunder case haharapin ni Gov. Espino

NAKAHANDA umanong sagutin ni Pangasinan Governor Amado Espino, Jr. ang isinampang kasong pandarambong laban sa kanya kaugnay ng jueteng.

Ayon kay Espino, na pawang pulitika lang ang motibo ng katunggaling si Bugallon Mayor Rodrigo Orduña para isangkot siya sa iligal na jueteng.

Una nang inihayag ni Orduña na siya ang nagsilbing “bagman” ni Espino na tumatanggap umano ng P10 milyon kada buwang jueteng payola.

Ayon pa kay Espino, mismong ang mga pulis sa Pangasinan ang makapagpapatunay na wala siyang kinalaman sa iligal na sugal.

Lumitaw lamang ang galit ni Orduña sa gobernador nang ipa-blotter ng huli ang anak ng alkalde na nanakit umano sa isang referee.

Giit pa ni Espino, halos mawala na ang jueteng sa ilalim ng kanyang panunungkulan at tanging ang mga sugal na jai-alai na lang ang mayroon sa lalawigan.

Gayuman mariing itinanggi ni Espino ang alegasyong ni Orduña sangkot siya sa talamak na jueteng sa lalawigan.

Binigyang-diin pa ng gobernador na si Orduña mismo ang nagpakilala sa kanya kay Charlie Ang na sinasabing gambling personality sa Pangasinan.

Ang alkade rin ang nag-isyu ng business permit kay Ang upang mapatakbo ang jai-alai sa kanilang lugar.

Bilang paglilinaw, mismong ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang magpapatunay na wala nang iligal na jueteng sa kanilang lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply