PNoy binati si Donaire sa pagkapanalo vs Jorge Arce

SAMPU ng sambayanang Pilipino, buong-karangalan nating binabati si Nonito Donaire, Jr. sa kaniyang matagumpay na pagdepensa sa kaniyang WBO super bantamweight belt sa pamamagitan ng third round Knockout laban kay Jorge Arce ng Mexico,” ayon sa tagapagsalita ng Pangulo.

Sa pahayag, sinabi ng tagapagsalita na “Muli na namang ipinakita ng the Filipino Flash ang kaniyang bilis at husay sa loob ng ring, at ibinandila sa pandaigdigang entablado ang tibay at lakas ng Pilipino.”

Aniya, sumasalamin ang tagumpay na ito sa kakayahan ng lahing kayumanggi na harapin at patumbahin ang anumang pagsubok na ating kakaharapin. Walang suntok na titinag sa atin; walang bigwas na wawasak sa kalooban natin. Anumang pagsubok ay lalo lamang magpapatatag sa kolektibo nating hangad na bigyang-karangalan ang bayan.

Muli, binabati natin si Nonito Donaire, Jr. sa kanyang panibagong tagumpay. Naway patuloy siyang maging bukal ng lakas at pag-asa sa buong sambayanan,sabi ng tagapagsalita.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply