PNoy dismayado sa bilang ng mga namatay sa bagyong Pablo

bagyong-pablo-dec-5-11am

DISMAYADO si Pangulong Benigno Aquino III sa bilang ng mga namatay at nasaktan dahil sa bagyong Pablo.

Ayon sa Pangulo, bagama’t alam niyang imposible na walang mamamatay at masasaktan ay nakaka-stress aniya na malaman na may nabiktima ang naturang bagyo.

“Kung iko-compare natin sa ‘Sendong’ ang laki naman yata ng diperensya ng casualties natin dito, ano. Pero any single casualty is a cause for distress. Parati nating hahanapin: ‘pwede bang nabawasan pa ito?’ Well, the count is about 70 right now, ano,” ayon kay Pangulong Aquino.

Aniya nasa Mindanao si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas upang personal na makita at malaman ang sitwasyon doon.

“Si (DILG) Secretary (Mar) Roxas actually is in Mindanao at the present time. Gusto nating malaman (‘yung) circumstances of, for instance, ‘yung army na unit: bakit sila naka-base? Saan nagkaroon ng flashflood? May report na (may) evacuation center na nadale rin ng flashflood.”

Inatasan naman ni Pangulong Aquino si DOST Secretary Mario Montejo na tulungan ang mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Sa kabilang dako, naging epektibo aniya ang pagtulong Coast Guard na magkaroon ng mas seryosong kalamidad.

“So malayo tayo sa ‘Sendong’; ang laki ng inasenso; gumana ‘yung mga sensors na nakabit na ng Project NOAH especially for Iligan and Cagayan. It’s still an ongoing project. Sinabi naman na medyo matatagalan ‘yung 18 river basins na dapat imo-monitor. But, again, any single casualty is a cause of distress,” anito.

Samantala, depensahan naman ni Pangulong Aquino ang PAGASA.

Binigyang diin ni Pangulong Aquino na “tama” o “accurate” ang forecast ng PAGASA kahit na sa una nitong pag-atas ay sa Hinatuan ang bagsak ng bagyong Pablo subalit biglang lumihis at tumama sa Davao Oriental.

“Huwag nating kalimutan bagyo ito, ano, hindi tayo nagmamaneho. Kaya nga hourly ang ginagawa nating advisories ay dahil pwede ngang pumihit. Malayong-malayo naman siguro ang diperensya noong nag-umpisa tayo dito na sinabing nasa Aurora—na nasa hilagang parte ng Luzon—tapos tumahak ng Southern Tagalog at saka Metro Manila. Medyo malayo ang difference ‘non. At ‘nung nagsalita ako sa inyo noong isang araw, binanggit ko nga na walang driver ang bagyo kaya mag-monitor tayo at baka nagbabago,” anito.

Umapela rin ang Pangulo sa mga politiko at kandidato na huwag gamitin o samantalahin ang bagyo para sa midterm elections sa susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply