PNoy dumalo sa thanksgiving mass para kay Tagle

Pangulong-Benigno-Aquino-III

DUMALO si Pangulong Benigno Simeon Aquino III at iba pang government officials ang Thanksgiving Mass na isinagawa para sa elebasyon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa College of Cardinals kaninang umaga.

Idinaos ang naturang Banal na Misa sa San Fernando de Dilao Parish Church sa Paco, Maynila dakong alas-10:00 ng umaga matapos ang isang prusisyon na pinangunahan mismo ni Tagle.

Bukod kay Pangulong Aquino dumalo rin sa naturang Thanksgiving Mass ang iba pang mga government official tulad nina Vice President Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile.

Matatandaang si Tagle ang ikapitong paring Pinoy na nahirang bilang Cardinal, kasama nina Rufino Cardinal Santos, Julio Cardinal Rosales, Jaime Cardinal Sin, Ricardo Cardinal Vidal, Jose Cardinal Sanchez at Gaudencio Cardinal Rosales.

Sa edad na 55, siya ang itinuturing na pinakabatang Cardinal sa Pilipinas at ikalawa naman sa buong mundo, kasunod ng 53-anyos na si Archbishop Baselios Cleemis Thottunkal ng India.

Bilang Cardinal, o Prince of the Church, isa sa mga tungkulin ni Tagle ay maging tagapayo ng Santo Papa at lumahok sa pagluluklok ng susunod na Santo Papa sakaling mabakante ang naturang puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply