PNoy itinuloy ang bakasyon sa Tarlac, Baguio

GAYA ng ipinangako ni Pangulong Benigno Aquino III ay nagpahinga ito sa Tarlac at pagkatapos ay sa Baguio City nagselebra ng Pasko.

Subalit, kahit aniya nakabakasyon at nagpapahinga ay naka-monitor si Pangulong Aquino sa mga kaganapan sa bansa lalo na sa posibleng paghambalos ng bagyong Quinta.

“He is taking his break. Nonetheless, we were told that if there’s anything important, he is always a text away. And certainly communications are ongoing with him except that talagang we wanted to give the President more time to rest. I have not received any advisory. I don’t know if you were given the advisory where the President is,” anito.

Updated aniya ang Pangulong Aquino sa hampas ng bagyong Quinta sa Visayas.

“And on all other important matters of state, he is informed. But, again, this is an opportunity for the President to take a well-deserved rest. But it does not mean that the affairs of state are not moving forward. He continuously receives information on the matters of state,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa pagbabakasyon ng Pangulong Aquino sa Tarlac at Baguio City ay kasama nito ang pamilya ni Secretary to the Cabinet Rene Almendras.

“Si Rene (Almendras) I think usually kasama niya ‘yan parati. Last year, I think, magkasama sila ni Sec. Rene so this year magkasama rin sila—kasama ng pamilya rin (nila),” aniya pa rin.

At dahil nasa vacation mode ang Pangulong Aquino ay wala namang ideya si Sec. Lacierda kung mapipirmahan ni PNoy ang Reproductive Health (RH) bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply