PNoy kay Bishop Pabillo: Ipagdasal ang mga biktima ng bagyo

INIMBITAHAN ng Malakanyang si Manila auxiliary bishop Broderick Pabillo na makiisa sa pamahalaan na ipagdasal ang mga taong patuloy na nawawala at nabiktima ng trahedyang bitbit ni bagyong Pablo.

“I would like to invite Bishop Pabillo to join hands with us to pray for a successful search for those who are still missing and to pray for the people who perished in the tragedy. Now is the time  for the good bishop to show God’s compassion and not to speak of the wrath of God,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Nauna  rito, sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nagsilbing babala mula sa Panginoon ang pagpipilit ng mga mambabatas na maipasa ang reproductive health bill.

“I don’t know if that’s a coincidence or if God has a message for us that if we discuss this, much suffering will be brought down upon us,” anito.

Idinagdad pa ni Pabillo na nangyayari ang bawat trahedya tuwing itinutulak ng mga mambabatas ang RH bill na hanyagan namang sinasalungat ng Simbahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply