PNoy, nakidalamhati sa pamilya ng nabiktima sa Sandy Hook Elementary School massacre

PNOY-5

NAKIISA si Pangulong Benigno Aquino III at ang Pilipinas sa pakikidalamhati sa mga pamilya ng mga nabiktima sa Sandy Hook Elementary School Newtown, Connecticut masaker na nagresulta ng pagkamatay ng 28 katao kabilang na ang 20 bata sa nangyaring masaker kamakalawa ng gabi.

“At this time of the deepest mourning over the tragic loss of life in Connecticut, I extend the deepest sympathy and solidarity to the families of those who lost loved ones in the Sandy Hook Elementary School. Together with the entire Filipino people, we stand beside you with bowed heads, yet in deep admiration over the manner in which the American people have reached out to comfort the afflicted, and to search for answers that will give meaning and hope to this grim event. We pray for healing, and that this heartbreak will never be visited on any community ever again,” ang mensahe ni Pangulong Aquino na binasa ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Ayon kay Valte, lalong nakakalungkot dahil maraming bata ang nadamay sa karahasan.

Nakikiisa umano ang Malacañang sa pagdarasal para maibsan ang pagdadalamhati ng mga naulila ng mga biktima lalo pa’t magpa-Pasko na.

“Our deepest condolences. Our hearts and minds are with them during this difficult time,” ang pahayag ng opisyal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply