PNoy namahagi ng P10K kada pamilyang nasalanta ni Pablo

NAGPAMUDMOD mismo si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng financial assistance sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Compostela Valley kaninang umaga.

Nabatid na ibinahagi ni PNoy ang tig-P10,000 sa bawat pamilyang nasalanta ng kalamidad kung saan maliban sa cash ay namigay din ito ng relief goods na pantawid ng mga biktima.

Kasama ng Pangulo sina Sec. Dinky Soliman ng DSWD, DENR Sec. Ramon Paje, Defense Sec. Voltaire Gazmin, Health Sec. Enrique Ona, Energy Sec. Petilla, DPWH Sec. Rogelio Singson, Communications Sec. Ricky Carandang, DoTC Sec. Jun Abaya, DILG Sec. Mar Roxas at isang undersecretary ng DBM.

Ikutin din ng Pangulo ang Davao Oriental kung saan magbibigay ito ng NDRRMC briefing sa Davao City International Airport.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply