PNoy oras-oras naka-monitor sa bagyong Pablo

abigail-valte

ORAS-ORAS na naka-monitor si Pangulong Benigno Aquino III sa pananalasa ng bagyong Pablo sa Mindanao.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, kada oras ay nakatatanggap ng updates si Pangulong Aquino mula sa PAGASA at NDRRMC kaugnay sa galaw at lawak ng dinaraanan ng bagyong Pablo.

“Patuloy pa hong nasa red alert ang NDRRMC natin. Patuloy po ang kanilang pakikipag-koordinasyon sa mga local at provincial DRRMCs para po sa kanilang mga pangangailangan. Ang utos lang po ng Pangulo ay (ipagpatuloy) ‘yung ating coordination, ‘yung paglalabas ng mga assets na (kinakailangan) at tinitingnan din po ng Pangulo kung sapat na ‘yung ating mga preparasyon doon sa mga lugar na dapat daanan ng bagyong Pablo,” sabi ni Valte.

Kaugnay ng pananalasa ng bagyong Pablo, nagsanib-puwersa naman ang Department of Health at Department of Social and Welfare Development (DSWD) sa pag-preposition ng mga food at non-food relief items na ibibigay typhoon victims.

Sa katunayan aniya ay nakapagbigay na ang DOH ng kanilang impormasyon ukol sa basic medicines at kits na kakailanganin.

Samantala, dagdag pa ni Valte, umaabot na sa 8,283 pamilya o 41,608 indibidwal ang apektado ng bagyo sa Region VIII, X, XI, at XIII.

Maaga pa lamang aniya ay kinansela na ng local government ang klase sa eskuwela sa lahat ng antas lalo na sa mga lugar na pinakabinabayo ng bagyo.

Ayon kay Valte, kabilang sa mga lugar na nagsuspinde ng klase at pasok sa trabaho ay ang Mandaue City, Cebu City, Dumaguete.

Sa Caraga region at Davao City naman aniya ay sinuspinde ang klase sa preschool at secondary levels.

Maraming flights na rin aniya ang kinansela dahil sa bagyo habang nasa 3,406 pasahero naman ang istranded.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply