PNoy sasalubungin ang Bagong Taon sa Bahay Pangarap

SASALUBUNGIN ni Pangulong Benigno Aquino III ang Bagong Taon sa kanyang tahanan sa Bahay Pangarap.

Ito ang tiniyak ni Secretary to the Cabinet Rene Almendras matapos magdiwang ng kanyang Pasko ang Pangulong Aquino sa Baguio City.

Makakasama ng Pangulong Aquino ang kanyang pamilya at mga kapatid.

Nakapag-recharge naman si Pangulong  Aquino III sa limang araw na pagbabakasyon mula sa sobrang hectic na iskedyul sa loob at labas ng Malakanyang.

Sa isang panayam, sinabi ng Punong Ehekutibo na habang namamahinga siya ay naka-monitor naman siya sa mga kaganapan na may kinalaman sa bagyong Quinta.

Sa kanyang pagbabakasyon ay malinaw na sinunod niya ang payo ni Health Sec. Enrique Ona

Inamin ng Punong Ehekutibo na nabawasan ang stress level ng gabinete, yung peace time aniya nila ay magtatagal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply