PNoy umaasang maipapanalo ni Donaire ang laban kay Arce

NANANALIG si Pangulong Benigno Aquino III na maipapanalo ni Filipino world boxing champion Nonito Donaire ang laban nito kay Jorge Arce ng Mexico.

Sa Disyembre 16 ay nakatakdang magharap ang dalawa sa Toyota Center sa Houston, Texas para sa WBO super bantamweight championship na hanggang ngayon ay hawak ni Donaire ang korona.

Ayon sa Pangulo, malaki ang kanyang tiwalang maipapanalo ni Donaire ang laban dahil taglay nito ang katangian ng isang tunay na kampeon.

Aniya, malaki ang kanilang paghanga sa boksingero na nag-alay pa ng laban noon kay dating Pangulong Cory Aquino.

Sa ulat, sa naging laban nito kay Rafael Concepcion ng Panama noong Agosto 15, 2009 ay inialay ni Donaire ang kanyang  laban kay dating Pangulong Corazon Aquino, ina ni Pangulong Noynoy kung saan ay nagsuot pa nga ito ng dilaw na trunks bilang tribute sa dating lider.

Samantala, inaasahan namang tututukan ng Chief Executive ang laban ni Donaire na malapit na tao sa pamilya Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply