PNP, BFP, DILG, DoH at iba pa inalerto ni PNoy

IPINAG-UTOS ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan na siguruhin na kaunti lamang ang masasaktan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sama-samang isinailalim sa briefing ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection, Interior and Health Departments ni PNoy para sa measures na kanilang gagawin sa okasyong ito.

Sinasabing ang direktiba ng Chief Executive ay hindi lamang para sa kapulisan kundi maging sa health workers na manatili sa kani-kanilang puwesto lalo na pagpatak ng 11 ng gabi bukas hanggang sa matapos ang putukan.

Posible namang magkaroon ng panibagong pulong sa Malakanyang kaugnay naman sa pag-ban ng mga paputok upang matiyak ang zero casualty sa mga darating na panahon ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Kapwa naman iginiit ng PNP at  Interior Departments na ipinatutupad nila ang batas at ordinansa laban sa illegal firecrackers.

Sinabi naman ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na inilatag ng BFP ang kanilang kaso at hakbang sa pagba-ban ng mga paputok dahil ito anila ang pangunahing pinagmumulan ng sunog.

Hiniling naman ni Pangulong Aquino sa PNP na magtakda pa ng panibagong hotline number bukod pa sa kasalukuyang text hotline na 0917-8475757, na aniya’y mahirap tandaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply