PNP nakahanda na kay bagyong Pablo

NAKAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) sa pananalasa ng bagyong Pablo na naitalang may lakas na hangin na aabot 185 kilometer per hour (kph) at may pagbugsong 220 kph.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Cupt. Generoso Cerbo Jr., naka-standby na ang kanilang manpower resources at mga special rescue  equipment para sa mga lugar na tutumbukin ng bagyo.

Sibabi ni Cerbo na aktibado na rin ang kanilang police desk sa NDRRMC para mas mabilis ang koordinasyon sa national headquarters  para sa mga mangangailangan ng tulong sa mga apektadong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply