PNP todo-bantay sa ‘Gangnam bomb’ at ‘end of the world’

TODO-BANTAY ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa tinaguriang pinakamalakas na paputok na “Gangnam bomb” at “end of the world.”

Ito’y matapos malaman na ang ganitong klase ng mga paputok ay ikinukonsidera nang explosives at ngayon ay mabibili na o kumakalat na sa merkado.

Kaugnay ng mga paputok, hinikayat ng PNP ang publiko na makipagtulungan sa kanilang tanggapan para gawing ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Pinayuhan din ng PNP ang publiko lalo na ang mga magulang na iwasang bumili ng mga ipinagbabawal na uri ng paputok.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang watusi, na delikado kapag nalunok o nakain lalo na ng mga bata. Bawal rin ang piccolo, na kahit maliit ay delikado ang pagkakadisenyo dahil mabilis itong pumutok.

Bawal din ang mga sumusunod:
– Big Bawang- Kwiton
– Goodbye PHL
– Bin Laden
– Coke-in-can
– Kabasi
– Five Star
– Pla-pla
– Og
– Giant Whistle Bomb
– Ampatuan
– Super Lolo
– Atomic Big Trianggulo
– Mother Rockets
– Lolo Thunder
– Pillbox
– Boga
– Big Judah’s Belt

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, ang mga ipinagbabawal na paputok ay labag sa safety standards at matindi kung makapaminsala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply