Pondo para sa typhoon victims sapat – DSWD

dinky-soliman

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang calamity fund ng gobyerno para mabigyan ng ayuda ang mga biktima ng bagyong Pablo.

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, nasa kalahati pa ang natitirang calamity fund ng gobyerno para sa taong ito.

Sinabi ni Soliman na hindi gaanong mapaminsala ang mga nagdaang bagyo sa bansa kaya may pondo pang naitatabi ang ahensya.

Kaugnay nito, patuloy ang pagbibigay ng tulong ng DSWD sa mga nasalanta ng bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao.

Batay sa tala ng DSWD, pumapalo na sa 31,000 pamilya o144,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa Regions 7, 10, 11 at Caraga.

Ayon kay Soliman, umaabot sa 27,000 pamilya o 127,000 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.

Ipinabatid ni Soliman na nakapagpaabot na ang ahensya ng mahigit P2 milyon halaga ng tulong sa naapektuhan ng bagyog Pablo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply