Pope Benedict nanguna sa pagpapa-ilaw ng Christmas tree ng Holy See

Pope-Benedict-XV!

NAGNININGNING na sa liwanag ang buong paligid ng Vatican matapos ang ginawang pagpapa-ilaw mismo ni Pope Benedict XVI sa Christmas tree ng Holy See.

Nabatid na pinailaw ng Pope ang may 78 talampakan na Christmas tree sa St. Peter’s Square.

Nabatid na ibinigay ng delegasyon mula sa south-central Molise region sa Italy ang naturang Christmas tree ng Vatican .

Ayon sa Santo Papa, ang ilaw sa naturang puno ay sumisimbolo sa divine light.

“And when in the past they tried to stamp out the light of God to instead turn on illusory and misleading glows, there were seasons of tragic violence against man,” ani Pope Benedict.

“And this is because when they tried to cancel God’s name from the pages of history, the result was a distortion, where even the most noble and beautiful words, like ‘freedom,’ ‘common good’ and ‘justice’ … lost their true meaning,” sa mensahe ng Pope.

Pangungunahan naman ang bisperas ng pasko ni Pope Benedict ang misa sa St. Peter’s Basilica, may mensahe rin ito sa Pasko at isa pang misa sa Bagong Taon.

Samantala, inilabas na rin ng Vatican ang peace message ni Pope Benedict kung saan nanawagan ang lider ng Catholic Church sa mga world leaders na ituring ang kanilang sarili bilang peacemakers.

Ibinabala rin ng Pope na ang ang same-sex marriage ay isa umanong banta sa kapayapaan.

“Those who insufficiently value human life, and in consequence, support among other things the liberalization of abortion perhaps do not realize that in this way they are proposing the pursuit of a false peace,” dagdag pa ng Santo Papa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply