Pope Benedict XVl nakiramay sa mga biktima ni ‘Pablo’

MAGING si Pope Benedict XVI ay nagpaabot na rin ng pakikiramay at pakikiisa sa mga Pinoy na sinalanta ng bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao.

Batay sa mensaheng ipinadala ng Santo Papa kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Cebu Archbishop Jose Palma, sinabi nito na labis siyang nalulungkot sa dinanas na kalamidad ng Pilipinas.

Nagpaabot din ito ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang nagluluksa ngayon matapos na mawalan ng mga mahal sa buhay.

Tiniyak pa ng Santo Papa sa mga typhoon victims na karamay siya ng mga ito sa kasalukuyang dinaranas na problema.

Ayon sa CBCP, ang mensahe ng Santo Papa para sa mga Pinoy ay ipinaabot ni Vatican Secretary of State Cardinal Tarcisio Bertone, sa pamamagitan ni Papal nuncio in the Philippines, Archbishop Giuseppe Pinto.

“He offers fervent prayers for the deceased and for all those who are working to rescue missing persons and to assist the trapped and injured,” ayon pa kay Bertone.

“Upon the beloved people of the Philippines, as a pledge of consolation, hope, and solidarity, His Holiness invokes God’s abundant blessings,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply