Portable rotonda, ipinuwesto ng MMDA sa Edsa

MMDA-logo

MAKARAANG ipatupad ang bagong bus segregation scheme, inilalatag naman ang bagong proyektong inilunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Edsa. Ito ay ang pagkakasa ng mga tauhan ng ahensya sa mga portable round-a-bout o rotonda sa ilang intersection.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na layunin nitong mas maisaayos ang daloy ng trapiko at mabawasan ang mga aksidente lalo’t daragsa ang mga motorista ngayong Kapaskuhan.

Nilagyan na ng iba’t ibang bulaklak ang bawat portable rotonda para maging kaakit-akit lalo sa mga turista at may dalawang ilaw na pinapagana ng solar panel.

Ayon sa MMDA, inilunsad nila ang mga rotonda base sa ilang pag-aaral sa Amerika at sakaling maging epektibo ay gagawin na itong permanente.

Kabilang ang intersection sa Ayala at EDSA sa mga pinuwestuhan ng portable rotonda.

Maglalagay din ng portable rotonda ang MMDA sa Roxas Boulevard.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply