Potensyal na bagyo papasok sa PAR sa Linggo

PAGASA-DOST

POSIBLENG pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang isang pontensyal na bagyo sa Linggo.

Sa oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay papangalanan itong bagyong Quinta.

Ayon kay PAGASA forecaster Chris Perez, ang low pressure area (LPA) ay magiging ganap na bagyo bago pa pumasok sa PAR.

“Kung patuloy ito sa pagkilos palapit sa bansa, posibleng Linggo ng hapon o gabi papasok ito ng PAR,” pahayag ni Perez.

Pero sinabi nito na hindi ito agad mararamdaman hanggang sa Lunes, na inaasahan namang magdadala ng mga pag-ulan sa katimugang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Huli aniyang namataan ang LPA sa layong 2,800 kilometro silangan ng PAR boundary.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply