P’que City Hall employees nakatanggap na ng 13th month pay

MASAYANG-MASAYA na ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque matapos ibigay nitong Biyernes ang kanilang 13th month pay.

Nauna rito, tinanggap din nila ang kanilang “cash gift.”

Sa susunod na linggo, matatanggap ng mga kawani ang kanilang tradisyunal na “food basket”. Dito rin gaganapin ang kanilang pinakahihintay na Christmas party at “grand raffle”.

Hinikayat naman ng lokal na punong ehekutibo ang mga kawani na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa tungkulin tungo sa maayos na serbisyo publiko para sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga mamamayan at pag-unlad ng komunidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply